Reddit at Discord sa Pilipinas: ano ang hinihingi ng CICC at ano na ang status?
Maikling sagot, as of 24 Set 2026 (PHT)
Magkaiba ang sitwasyon ng dalawa. Reddit: binigyan ng extension ng CICC, at walang naiulat na block. Discord: walang extension, at ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, naglabas ang NTC ng blocking order laban dito noong 22 Setyembre 2026.
Hindi pa public ang mismong NTC order, at ayon sa mga ulat, hindi pare-pareho ang access sa Discord depende sa network. Mabilis magbago ang sitwasyon, at hindi namin independently na-verify ang access sa bawat network.
Ano ang hiningi ng CICC
Sa mga sulat na may petsang 21 Setyembre 2026, binigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang Reddit at Discord ng 24 oras para:
- mag-designate ng resident agent o local representative sa Pilipinas;
- magsumite ng written explanation ng kanilang kasalukuyang safety arrangements at plano;
- palakasin ang age verification o age assurance; at
- makiisa sa framework laban sa child exploitation at "nihilistic violent extremism".
Kapag hindi sumunod, puwede raw makipag-ugnayan ang CICC sa ibang awtoridad para
seek restrictions on the platforms' operations or access in the Philippines
.
Kasunod ito ng tatlong school shooting sa Tacloban (Hunyo), Ateneo de Zamboanga (18
Agosto), at Banga National High School (18 Setyembre) (GMA News, 23 Set 2026).
Timeline
- Petsa ng mga sulat ng CICC sa Reddit at Discord, na may 24-oras na deadline (GMA News).
- Naglabas ang NTC ng blocking order laban sa Discord, ayon kay DICT Secretary Henry Aguda (DZRH, 23 Set 2026). Naglabas din ang National Privacy Commission ng show-cause order sa Meta, Roblox, Reddit, at Discord dahil sa registration requirements ng Data Privacy Act of 2012 (The Manila Times, 23 Set 2026).
- Nakipagpulong online ang Reddit sa CICC, nangako ng "green lanes" at Philippine office, at binigyan ng extension. Sumulat naman ang Discord at nag-alok ng briefing tungkol sa teen-safety tools (Daily Tribune, 23 Set 2026).
- Iniulat ng ilang tech outlet na hindi ma-access ang Discord sa ilang network, at may block page na nagbabanggit ng NTC directive. Sa parehong araw, sinabi ng DICT Secretary sa DZRH na may NTC blocking order na (GGWPTech, 23 Set 2026).
-
Nilinaw ng CICC na sa Reddit lang ang extension, hindi sa Discord,
pending direct discussions with the platform and concrete commitments
(DZRH, 24 Set 2026). -
Kinuwestiyon ng Democracy.Net.PH ang mandato ng CICC na mag-ban ng platform:
only courts can restrict freedoms
(Philstar, 24 Set 2026).
Kumpirmado, iniulat, at hindi pa malinaw
Sinabi ng mga opisyal (ayon sa ulat)
- CICC: ang 24-oras na directive at ang posibleng restrictions kapag hindi sumunod.
- CICC: extension para sa Reddit; walang extension para sa Discord sa ngayon.
- DICT Secretary: may NTC blocking order laban sa Discord mula 22 Set.
- NPC: show-cause orders sa Meta, Roblox, Reddit, at Discord (Data Privacy Act).
Iniulat ng media at users
- Block page para sa Discord sa ilang network na nagbabanggit ng NTC directive.
- Ang eksaktong listahan ng apektadong network. Magkakaiba ang mga ulat.
Hindi pa malinaw
- Gaano katagal ang extension ng Reddit.
- Ang eksaktong laman at saklaw ng NTC order. Hindi pa ito public.
- Kung apektado rin ang Discord apps, o ang website lang.
- Ang legal na basehan ng pag-block nang walang court order. Pinagtatalunan ito.
Ano ang ibig sabihin nito para sa users
- Reddit users: walang naiulat na block. Kung ayaw mag-load, i-check muna ang sarili mong connection at ang status page ng Reddit. Basahin ang Reddit explainer.
- Discord users: alamin kung block page, outage, o connection mo ang problema, at maghanda ng backup na communication channel para sa team o community mo. Basahin ang Discord explainer.
Mga tanong
Bakit iba ang trato sa Reddit at Discord?
Ayon sa CICC, nakipagpulong ang Reddit at nagbigay ng mga konkretong pangako. Ang Discord naman ay sumulat lang at nag-alok ng briefing, na hindi raw sapat para sa extension (Bilyonaryo, 24 Set 2026).
Gaano kadalas ina-update ang page na ito?
Tuwing may bagong opisyal na anunsyo o mapagkakatiwalaang ulat. Tingnan ang "Last checked" na petsa sa itaas. Kung luma na ito, puwedeng may bagong development.
Sources
- DZRH, 23 Set 2026: DICT to tighten regulation of online platforms amid nihilistic violent extremism concerns
- The Manila Times, 23 Set 2026: NPC issues show cause order to online platforms
- GMA News, 23 Set 2026: CICC gives Reddit, Discord 24 hours to establish PH offices
- Daily Tribune, 23 Set 2026: Reddit, Discord get reprieve from gov't deadline
- GGWPTech, 23 Set 2026: Discord appears blocked as NTC block page hits Globe users
- DZRH, 24 Set 2026: CICC clarifies extension applies only to Reddit, not Discord
- Bilyonaryo, 24 Set 2026: Reddit gets more time to comply, Discord doesn't
- Philstar, 24 Set 2026: 'Threat to ban Reddit, Discord akin to China repression'
Sumali sa Tara Usap waitlist
Paparating na independent online community para sa mga Pilipino. Hindi pa bukas: email lang muna, at ikaw ang unang makakaalam.